GENERAL SANTOS CITY – Swak sa selda ng San Isidro PNP ang isang binata matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang girlfriend na 16-anyos.
Kinilala ang suspek na si Geraldson Regidor at 18-anyos, taga-Purok Maunlad, Tambler sa Heneral Santos City.
Itinago naman ang biktima sa pangalang Lyn-Lyn, 16-anyos, naninirahan sa bahay ng kanyang mga tiyahin sa San Isidro, ng lungsod at nobya at textmate ng suspek.
Sa himpilan ng San Isidro police, mariing itinanggi ni Regidor na ginahasa niya ang biktima dahil magkasintahan sila.
Pahayag ng akusado, mismong si Lyn-Lyn ang nagsabi na doon na lang siya matulog sa bahay ng mga tiyahin nito dahil ginabi sa pagbisita sa kanya.
Kinabukasan, ayon sa suspek, nagulat siya ng ipinaaresto siya ng mga tiyahin ng nobya sa alegasyon ng panggagahasa.