Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Van vs motor: 1-anyos, 2 pa todas

$
0
0

TATLO ang namatay kabilang ang isang taong gulang na bata makaraang mabangga ng van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Alcala, Cagayan.

Nasawi sina Reynante Casay, nagmamay-ari at driver ng motorsiklo, 32-anyos, guwardiya sa kapitolyo ng Cagayan; Reynold Casay,1 taon at pitong buwan; Leonie Constantino, 19, live in partner ni Casay, pawang mga residente ng Barangay Dalaoig, Alcala.

Nabatid na patungo sa parehong direksyon ang motorsiklo ng mga biktima at van na minamaneho ng isang Geren Caratiquet, 49-anyos, ng Brgy. San Jose, Lal-lo, nang tangkaing i-overtake ng van ang motorsiklo nang makarating sila sa Brgy. Centro Sur, Alcala.

Bunsod nito, sumalpok ang van sa motorsiklo at tumilapon ang sakay nito.

Agad na nasawi ang driver ng motorsiklo habang hindi na umabot pa sa ospital ang bata, at si Leonie naman ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Inihahanda na ang isasampang kaso laban sa driver ng van.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>