Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kumander ng NPA arestado sa Sarangani

$
0
0

GENERAL SANTOS CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang kumander ng New People’s Army (NPA) sa Sarangani province.

Kinilala ang nadakip na sina Ronnie Nayre, alyas Kumander Joyjoy, assistant platoon lider ng Platoon Mazda ng Front Committee 73.

Ayon kay Sarangani Provincial Director Edwin Miñon, bukod sa kumander ay nahuli rin ang asawa nitong si Kads at dalawang kasama na isang alyas Henry at Makmak.

Pinakawalan din ang tatlo matapos makumpirma na walang kasong kinasangkutan.

Sa report, nakatanggap ng tip ang pulisya ukol sa presensya ng mga nasabing rebelde kaya’t nilundagan ang isang bahay sa Sitio Tulag, Nalus, Kiamba, Sarangani.

Hindi na nakapanlaban pa ang apat dahil walang dalang armas.

Sinasabing plano sanang buhayin ni Joyjoy ang presensya ng mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng Lake Sebu, South Cotabato subalit sila’y nahuli.

Iginiit ni Nayre na hindi sila ang umatake sa isang COMPAC sa T’boli South Cotabato na ikinamatay ng tatlong rebelde.

Kaagad nai-turn-over si Joyjoy sa Digos Davao del Sur matapos masangkot sa kasong pagnanakaw, panununog at pagpatay, habang may kaso rin sa Kidapawan na robbery with intimadation against person.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>