HALOS MATULALA ang isang binatilyo, makaraang barilin ng hindi nakikilalang lalaki sa harap nito ang kanyang ama, kahapon sa Malabon City.
Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Artemio Garcia, 39 anyos taga-Guzon Compound, Tonsuya, Malabon City.
Batay sa report ni Inps. Obenia ng PCP-8, dakong alas-5:50 ng hapon ng mangyari ang insidente sa Phase 6 Flovi Home, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.
Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima, kasama ang kanyang anak ay nagtitinda ng lagare sa nasabing lugar nang lapitan ng hindi nakikilalang suspek na armado ng kalibre .45 na pistol at binaril nang dalawang beses sa ulo ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Pinag-aaralan ng PNP kung ang biktima ay napagkamalan lang o isa sa magkalabang grupo sa lugar, ang 7 Bulabog Gang at ang Avatar Group na walang ginawa kundi magpatayan.