Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Misis kinatay ng selosong mister

$
0
0

NASAWI ang 30-anyos na misis matapos pagsasaksakin ng kanyang selosong mister makaraan ang pagtatalo nang galit na komprontahin ng suspek ang biktima dahil naghihinala ito na may iba umanong karelasyon ang asawa sa Caloocan City, kagabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang saksak sa dibdib ang biktimang si Joanna Lyn Dolor-Porton, 30, lady guard, ng Blk. 16-A, Lot 41, Phase 3-E1, Langaray, Brgy. 12.

Kinilala naman ni C/Insp. Ilustre Mendoza, OIC ng Caloocan police, ang suspek na si Roque Porton, Jr., 29, na nahaharap sa kasong pariccide sa piskalya ng Caloocan City.

Ayon kina Caloocan police investigators SPO1 Romel Bautista, PO3 Edgar Manapat at PO2 Alvin Pascual, dakong 7:00 ng gabi, lasing ang suspek nang komprontahin nito ang biktima sa loob ng kanilang bahay dahil sa selos matapos nitong maghinala na nakikipagrelasyon ang misis sa kasamahan nitong guwardya.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ng mag-asawa sa pisikalan hanggang sa suntukin ng suspek ang biktima bago kumuha ng patalim at inundayan ng dalawang saksak sa dibdib na nagresulta ng agarang kamatayan ng misis.

Humingi naman ng tulong ang mga tambay sa pulis na si SPO1 Freddie Dangle ng PNP Maritime, Camp Crame na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. RENE MANAHAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129