KINUMPIRMA ng Manila Police District (MPD) ngayong umaga, Lunes, Setyembre 18, na namatay sanhi ng hazing ang freshman law student ng University of Santo Tomas law na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.
Ayon sa MPD medico-legal doctor, si Castillo ay namatay sanhi ng massive heart attack sanhi ng kanyang tinamong kapansanan.
Dumating ang medico-legal team mula MPD sa morgue dakong 9 a.m. para magsagawa ng awtopsya sa labi ni Castillo.
Matapos ang pageksamin, kinausap ng naturang doctor ang pamilya Castillo at kinumpirma na isa itong kaso ng hazing.
Ang bangkay ng biktima ay may hematoma sa parehong braso pero walang burn marks.
Napahagulgol naman ang tatay ni Horacio Castillo Jr., nang sabihin sa kanya ang autopsy results.
Hinamon niya ang may responsable na harapin ang kahihitnan ng krimen. BOBBY TICZON