Sa ipinadalang press statement ni Associate Professor Giovanni V. Fontanilla, Director of Office of Public Affairs ng UST, nakasaad na natanggap na nila ang report hinggil sa sinasabing pagkamatay sa hazing ni Castillo na kinasasangkutan umano ng Aegis Juris fraternity.
Mariin din aniyan nilang kinokondena ang hazing at hindi nila pinapayagan ang anumang uri ng karahasan sa kanilang institusyon lalo na sa UST na nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga at pagsusulong sa charity and compassion.
Tiniyak din ng UST na wala silang sasantuhin sa insidente at pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa marahas na kamatayan ni Castillo.
Dagdag pa ni Fontanilla na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang mapalabas ang katotohanan, matukoy ang mga may kasalanan at bumalangkas ng legal na action.
Muling iginiit ng UST ang pagpapahalaga nila sa Christian values and ideals na patuloy na nagbibigkis sa kanilang mga institusyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN