Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

98 % ng mga brgy sa NCR, apektado ng iligal na droga

$
0
0

NAALARMA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil halos  98 porsiyento na ang bilang ng mga barangay sa buong National Capital Region ang apektado na ng ipinagbabawal na droga.

Ito ang isiniwalat ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. batay sa hawak nilang record sa taong 2012.  Aniya, ang lungsod ng Maynila ang may pinakamataas na bilang ng apektado kung saan siyam sa bawat isang Barangay ang may gumagamit, nagbebenta at posibleng may gumagawa na ng droga.

Ipinaliwanag ni Cacdac na tatlong kategorya ang kanilang pinagbasehan sa kanilang datus:  category 3 ang isang barangay kung saan slightly affected na ito at mayroon ng mga gumagamit; category 2 kung moderately affected  na bukod sa may gumagamit ay mayroon na ring nagbebenta at category 1, kung saan seriously affected na ang isang barangay at mayroon ng nagma-manufacture dito.

Sa ngayon, ani Cacdac, pinipilit pa nilang iberipika ang report mula sa Manila anti-drugs Abuse  CounCil (MADAC)  na mayroon 100 barangay na sa lungsod ng Maynila ang umanoy drug-free habang inamin nito na tumaas ngayong 2013 ang mga pulitikong sangkot sa droga.

Mula sa 53 noong nakaraang taon umaabot na, aniya, sa 60 ang pulitikong kanilang nahuhuling sangkot sa ipinagbabawal na droga kabilang na ang board member ng Misamis Oriental na si Geodeguil Ursal na nahulihan ng shabu sa isang buy-bust operation nitong nakalipas na Enero 8 .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>