SUGATAN sa pananaga ang isang 14-anyos na lalaki matapos tambangan ng kanyang binatang kapitbahay sa Albay kaninang madaling araw (Abril 8).
Isunugod sa ospital sangi ng tinamong taga sa kanang kamay at ulo ang biktima na si Ric Baynaldo ng P2 Barangay Kabasan sa bayan ng Bacacay, Albay.
Hinahanting na ngayon upang panagutin sa krimen ang suspect na sadyang hindi pinangalanan para hindi makasagabal sa paghuli rito.
Naganap ang insidente dakong 1 nitong Lunes ng madaling araw sa isang bahagi ng bayan ng Bacacay.
Ayon sa Bacacat Municipal Police Station, bago ang insidente ay nagkasalubong ng biktima ang suspect na bago pa lamang ay nagkaroon ng matinding hindi pagkakaintidihan.
Dahil pakay talagang hantingin ang biktima, hinugot ng suspect ang kanyang itak sa baywang at saka pinagtataga ang hindi nakapormang kalaban bago tumakas.