Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binata, patay, lolo sugatan sa ligaw na bala

$
0
0

ISANG binata ang binawian ng buhay nang pagbabarilin ng di kilalang salarin habang nakikinig ng musika sa loob ng nakaparadang tricycle ng kanyang kaibigan sa Sta. Cruz, Maynila kaning madaling-araw.

Sugatan naman ang isang lolo nang tamaan ng ligaw na bala habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang tricycle.

Namatay habang ginagamot sa  Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Edwin Simapao, 25, ng 1816 Avenida Avenue, sa Sta. Cruz habang patuloy pa ring ginagamot sa naturan ding ospital si Samuel Plagata, 65, na residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)- homicide section,  nabatid na dakong 1:55 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan ng isang fastfood chain sa Claro M. Recto Avenue kanto ng Avenida Avenue sa Sta. Cruz.

Sa salaysay sa pulisya ng testigong si John Jeward Garcia, 21, tricycle driver, nabatid na bago ang krimen ay nakikinig ng musika sa kanyang nakaparadang tricycle ang biktima, habang siya naman ay bumibili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan.

Nagulat na lamang aniya ito ng makarinig ng putok ng baril kaya’t kaagad na nagtago sa pangambang tamaan siya ng ligaw na bala.

Agad din namang lumabas ito sa kanyang pinagtataguan kung saan dito na nakitang duguan ang biktima.

Kaagad naman umanong pinaandar ni Garcia ang kanyang tricycle at isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara na itong patay ng mga doctor dakong 3:09 ng madaling-araw dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon naman kay Plagata, natutulog siya sa loob ng kanyang tricycle nang makarinig ng mga putok ng baril at minalas na tamaan ng ligaw na bala sa kanyang hita. Humingi umano siya ng tulong sa mga bystander sa lugar para maisugod siya sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at motibo nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>