Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bahay nilamon ng lupa, 2 dedo  

$
0
0

DALAWA ang namatay nang lamunin ng lupa ang kanilang bahay sa Cebu City nitong Huwebes ng gabi.

Ang bangkay ng mga biktima na nakilalang sina Elpidio Heraga, 64, at Juvelyn Salipa, 31, ay nakuha sa ilalim ng mga bato na mula sa kanilang nawasak na bahay sa tabi ng ilog.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:45 p.m. isang residential area sa Guadalupe River sa Sitio Lower Ponce, Barangay Capitol Site, Cebu City.

Ayon sa awtoridad, nagpapahinga ang mga biktima nang biglang matabunan ng lupa ang kanilang bahay.

Inabot ng mahigit sa apat na oras bago nakuha ng rescue operation team ang bangkay ng mga biktima.

Samantala, nailigtas naman ng rescuers ang  18 katao, 10 sa kanila ay menor de edad, mula sa landslide sa sanhi ng malakas na  pagbuhos ng ulan nitong Huwebes ng hapon, ayon pa sa ulat.

Nawasak din ang mga bahay ng mga nasagip na mga biktima at ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa barangay hall. BOBBY TICZON

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>