MAHIGIT 30 baril ang nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bahay ng isang dating hepe ng Negros Police Regional Intelligence Unit.
Bukod sa nasabing mga baril, nakuha rin kay SPO1 Joshua Barile, ang apat na high powered hand grenade at isang sachet pinaniniwalaang shabu sa storage room sa kanyang bahay sa Bacolod City.
Dating hepe ng Negros Police Regional Intelligence Unit si Barile at ngayon ay pinamumunuan naman ang firearms ang explosive Section ng regional civil security unit 18.
Ang nasabing mga baril ani Barile ay nakadokumento lahat pati ang baril ngunit ang nakuhang droga at isa pang granada ay planted umano.
Sinabi rin ni Barile na ang hawak niya ay for safekeeping lamang na ebidensya sa korte.
Naniniwala si Barile na pakana lamang ng isang pulitiko ang raid kung saan sinalakay na rin umano ilang taon na ang nakalilipas.
Itinanggi naman ni Barile ang paratang na dati na itong nasangkot sa pagpatay at droga. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN