PATAY na nang matagpuan sa kanyang kuwarto ang 17-anyos na estudyante ng Lyceum of the Philippines sa Maynila, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Darryl Tolentino y Avila, first year Computer Science student sa naturang eskuwelahan.
Sa report ni SPO3 Rodelio Lingcum, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:45 kaninang madaling araw nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kanyang tiyuhin na si Jay.
Nabatid na posibleng tatlong beses tinangka ng biktima na magpatiwakal dahil sa ilang nakitang ginamit nito sa pagpapatiwakal.
Ayon kay Lingcum, may mga hiwa sa kamay ang biktima na indikasyon na naglaslas ito.
Bukod dito, nagtali rin umano ng kumot sa leeg si Darryl at uminom ng panglinis palikura (CR).
Ayon naman sa tiyuhin ng biktima, likas na tahimik ang kanyang pamangkin at kapag may problema ay sinosolo lamang nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestiagsyon ng pulisya para malaman kung ano ang nagtulak sa biktima upang wakasan ang buhay.