MAY19 katao ang nasugatan nang bumalandra sa isang poste ng Metro Rail Transit (MRT) sa Cubao, Quezon City ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus nitong, Lunes ng hapon.
Isinugod sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang mga biktima na hindi nakuha ang mga pangalan sanhi ng minor injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa northbound lane ng service road ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa tapat ng Farmer’s Plaza sa Cubao.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng isang Mayamy Transport bus (PWX-758) at sinuwag ang poste ng MRT dakong alas-2:00 ng hapon.
Nawasak ang harapan ng naturang bus.