Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Balasahan sa PNP bago ang drug war, inanunsyo

$
0
0

BAGO mabasabak muli sa drug war, inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) kaninang Biyernes ng umaga na magbabalsa sila ng kanilang mga opisyal.

Papalitan ni S/Supt. Albert Ferro ng Firearms Explosive Division si C/Supt. Joseph Adnol bilang hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) simula sa Disyembre 11.

Si Ferro ay dating hepe ng nalusaw na PNP Anti-Illegal Drugs Group.

“As of now, I’m just waiting for guidance, but of course, on my part, I expect anything that will happen. I’m hopeful na it’s all for the better, always for the Philippine National Police,” pahayag ni Adnol.

Nitong nakaraang Huwebes, matamlay ang naging opinyon ni Adnol tungkol sa iminungkahi na gumamit ang police ng body cameras sa kanilang operasyon.

Habang handa ang PNP na bigyan ang mga operatiba ng body cameras, sinabi ni Adnol na dapat pagkatiwalaan ng publiko ang awtoridad dahil nag-ooperate sila kasama ang Panginoon bilang kanilang camera.

Nanniniwala naman si Adnol na ang kanyang pahayag ay walang kinalaman sa kanyang pagkakasibak.

“I do believe it’s because of the movement that’s ongoing in the organization to reposition officers [with] the retirement of the other officers in the organization,” pahayag nito.

Nagsilbi si Adnol bilang Deputy Regional Director for Administration ng Northern Mindanao bago ang umupong PDEG director nitong nakaraang Oktukbre.

Maliban kay Adnol, ang mga sumusunod na opisyal ay inilipat din ng ibang assignment ay sila Director Manuel Felix, hepe ng Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) sa Western Mindanao, na malilipat sa Office of the Chief PNP sa Camp Crame.

Si C/Supt. Cedrick Train, Chief ng PNP Soccsksargen, na siyang magiging bagong hepe ng DIPO Western Mindanao.

Si C/Supt. Marcelo Morales, chief ng Maritime Group ay papalitan si Train sa PNP regional office sa Soccsksargen.

Si C/Supt. Rodelio Jocson naman na Director of Information Technology Management Services (ITMS), ang magiging bagong hepe ng Maritime Group.

Si C/Supt. Renato Angara, Director ng PNP Cagayan Valley ang magiging bagong ITMS Director.

Habang si S/Supt. Petronelli Baldebrin na nasa Office of the Chief PNP ang magiging bagong Director ng PNP Cagayan Valley. BOBBY TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129