Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ama sa mag-inang pinatay sa Cavite: Hustisya!

$
0
0

DUMATING na sa bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) na ang mag-ina’y natagpuang patay sa kanilang bahay sa General Trias, Cavite nitong nakaraang Lunes.

Lulan ng Philippine Airlines flight PR-659 mula sa Dubai, dumating sa NAIA Terminal 2 si Marlon Gamos, isang seaman, na nanginginig at hindi mapigil ang paghihinagpis dahil sa sinapit ng kanyang asawa’t anak.

Nadiskubreng wala ng buhay ng kanilang mga kamag-anak na kapwa nakahiga sa kama ang mag-inang sina Ruby Gamos, 34, at anak na si Shania Nicole, 7.

Ayon kay Marlon, huli niya pang nakausap ang kanyang mag-ina nitong nakaraang Huwebes at matapos ang ang sumunod na mga araw ay hindi na sila nakitang lumabas pa ng kanilang bahay.

Iginiit nitong wala silang kaaway sa kanilang mga kapitbahay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, wala na ang ilang mamahaling gamit sa bahay ng biktima gaya ng telebision, tablets, cellphone, alahas, pati na ang kanilang kotseng Toyota Wigo na may conduction sticker na VD 9843.

Ayon kay General Trias P/Chief Supt. Jay Tafalla, posibleng nilooban ang bahay ng mag-ina saka pinatay nang manlaban.

Naniniwala rin si Tafalla na kilala ng mag-ina ang mga nasa likod ng krimen habang inaantay pa nila ang resulta ng autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Desidido ang padre de pamilya na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak, at nanawagan na makipagtulungan sa pulisya ang sinomang nakakaalam ng impormasyon ukol sa krimen. BOBBY TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>