MASUWERTE ang dalawang ahente ng operation unit ng PDEA Regional Office, National Capital Region dahil hindi pumutok ang baril ng isa sa tatlong hinihinalang tulak ng droga na kanilang inaaresto sa isinagawang entrapment operation sa Navotas City fishport.
Batay sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang PDEA RO-NCR sa pamumuno ni S03 Beltran Lacap bandang 12:30 kamakalawa ng tanghali sa nasabing lugar at naaresto ang mga suspek na sina Gilbert Gibuena y Isgana, 48 anyos, porter sa fishport at residente sa Northbay blvd. South Navotas City; Ariel Rosales y Baldosa, 37, porter ng Yulibel, Navoats fishport; at Salvador Escalicas y Baguna, 39, porter ng Catleya St., Northbay blvd.
Nakumpiska sa tatlo ang may limang gramo ng shabu, P500 na marked money na ginamit sa operasyon, isang kalibre .38 revolver, isang posas, isang ice pick, balisong at screw driver.
Ayon kay Lacap, hawak na nila ang mga suspek at habang nasa loob na sila ng kanilang sasakyan kasama sina Intelligence Officers Bert Baccay at Joanna Marie Betorin at isang asset nang biglang magwala ang suspek na si Gibuena na may sukbit na baril at mabilis na ipinutok kina Bacay at Betorin pero masuwerteng hindi pumutok
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Anti drug law na RA 9165, illegal possession of firearms, Comelec gun ban at grave threat ang sa mga suspek na pansamantalang nakapiit sa PDEA jail facility sa Quezon City.