Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

May diperensya sa isip, nagbigti

$
0
0

MASANGSANG na ang amoy ng isang 50-anyos na lalaki na sinasabing may “diperensiya” sa pag-iisip nang matagpuang nagbigti sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sta. Cruz, Maynila.

Hinihinalang may ilang araw ng patay ang biktimang si Filomeno Almendralejo, Jr., alyas Jun, boarder sa 1206 M. Natividad St., Sta. Cruz, Maynila.

Alas-8:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang isang kulay asul na nylon cord.

Ayon kay Jocelyn Santos, landlady ng biktima, mag-iisang taon na umanong nangungupahan sa kanya ang biktima matapos itong i-deport mula sa United States sa hindi malamang kadahilanan at tumatanggap ng buwanang allowance sa kanyang ina na nakabase na sa US.

Nalaman din na ang biktima ay na-diagnose na may mental health disorder at regular na umiinom ng alak.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong 2:00 ng madaling-araw na naglalakad sa loob ng kanilang bahay ng isang boarder na si Renato Santos.

Dakong 8:00 ng gabi nang makaamoy ng masansang ang kanyang kasamang boarder na si Lourdes Lim mula sa kuwarto ng biktima kaya kaagad nitong sinabi kay Santos.

Kinatok umano ni Santos ang kuwarto ng biktima na noo’y bahagyang nakabukas ngunit patay ang ilaw kaya gumamit ito ng flashlight at nakitang nakatayo ito.

Gayunman, hindi na nilapitan ni Santos ang biktima dahil sa katayuan nito kaya nagtungo na lamang sa barangay para humingi ng tulong at pagdating ni Kagawad Romualdo Sta. Maria ay nakita nila na nakabigti ang biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>