PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling-araw Enero 2, 2018 (Martes).
Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Raymar Garais,39,construction worker, residente ng Geronimo St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches,QC.

Si Garais ay nasawi habang isinusugod sa Novaliches District Hospital dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.
Ayon sa ulat ng QC Police District dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang pauwi umano si Garais galing sa trabaho at naglalakad ito sa Novaliches nang biglang sumulpot ang dalawang kalalakihan na kapwa nakasuot ng itim na jacket sakay ng motorsiklo at niratrat ang biktima.
Dalawang tama ng bala ng baril ang tumama sa biktima at duguan na itong nakahandusay sa kalye.
Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Sarmiento Street sakay ng isang motorbike na walang plaka.
Nasamsam sa lugar pinagyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala, isa mula sa.45-caliber pistol at ang isa naman ay sa 9-mm pistol.

Sinisiyasat pa ng mga operatiba ng QC police ang insidente ng pamamaril sa biktima. SANTI CELARIO