PINANINIWALAANG may gumagalang drug crazed rapists para maghasik ng lagim sa Cavite town.
Ito’y matapos matagpuan ang bangkay ng isang biyudang lola sa Dasmarinas, Cavite nitong nakaraang Sabado ng gabi (Abril 6).
Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Adelina Rosales Fernan, 69-anyos, tubong Sitio Carawan, Camarines Sur ng isang barangay tanod na si Barciso Barrcena, 54-anyos sa isang iskinita sa Sitio Humayao sa Barangay Langkaan II, Dasmarinas.
May palatandaan na ito ay paulit-ulit na ginahasa bago pinalo sa ulo ng isang matigas na bagay pero blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen.
Pero sa malagim na sinapit ng biktima, hinala ng pulisya na may posibilidad na lulong sa droga ang may kagagawan ng kahalayan at napagtripan lamang itong halayin habang magisang pauwi sa kanyang bahay.
May espekulayon din ang pulisya na kaya binasag ang ulo ng biktima ay dahil maaring kakilala nito ang mga suspect na gumahasa sa kanya.
Kaugnay nito, iniutos na ni Supt. Joseph B. Penaflor, Dasmariñas city police officer-in-charge, ang mas malalim pang imbestigasyon para maihawla at maparusahan ang mga umatake kay Fernan.