APAT na bangkay na ang narekober ng rescue team mula sa limang nawawala sa tumaob na bangkang de sagwan sa Pampanga River.
Una nang nasagip kagabi sina Michael Galaredo at Lenard Siesa.
Nabatid na namamasyal ang mgas biktima nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka dahil sa pagtaas ng alon sa ilog.
Lumalabas sa imbestigasyon na overloaded ang bangka kaya hindi nabalanse at tumaob.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng rescue operation ang rescue tram upang hanapin pa ang isang bata na missing sa insidente.