NATAGPUANG patay ang isang Lebanese national sa isang hotel sa Legazpi City.
Kinilala ang biktima na si Emile Nasrallah, 63-anyos, ng Kalipat San Jacinto, Masbate.
Nakatakda sana itong sumailalim sa surgical operation sa isang pribadong ospital sa siyudad.
Ayon sa asawa ng biktima na si Christine Nasrallah y Pabaira, ipinagtaka niya na naka-lock ang pinto ng kwarto na kanilang inuokupa kung kaya agad niyang hiningi ang duplicate key at nang mabuksan ay gumulantang sa kanya ang walang buhay niyang asawa.
Kasalukuyang sumasailalim sa awtopsiya ang bangkay habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives para malaman kung may foul play ba o sakit nito ang naging rason ng kanyang pagkamatay.