Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 biyahe ng Cebu Pacific kanselado dahil sa masamang panahon

$
0
0

KINANSELA ng Cebu Pacific ang dalawang biyahe nito patungong Mindanao dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Cebu Pacific kanselado ang Manila-Butuan-Manila, 5J 869/870 Cebu-Ozamiz-Cebu at 5J 219/220 Cebu-Butuan-Cebu.

Una nang nagbabala ng posibleng landslides at flashfloods ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) partikular sa Mindanao dahil sa dalawang low pressure area (LPA) na nakakaapekto sa rehiyon.

Paliwanag ng airline company, hindi nila maaaring ilagay sa panganib ang kanilang mga tauhan at pasahero kaya minabuti nila ang maagang kanselasyon ng byahe.

Kaugnay nito dahil sa patuloy na pag-ulan, kinansela  na ang klase sa mga mag-aaral sa Butuan City ngayong araw Enero 10, 2013.

Batay sa report alas-6:00 ngayong umaga unang inihayag ni Butuan City Mayor Jun Amante ang kanyang deklarasyon na suspendido na ang klase sa mga mag-aaral sa primary, elementarya at high school ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan simula pa noong nakaaraang araw na siyang dahilan ng pagtaas ngayon sa water level sa Agusan River na umabot na sa 2.2.

Ayon sa alkalde ilan sa mga barangay sa Butuan ang apektado na rin sa tubig baha kaya pinapayuhan nito ang mga residente na nakatira sa lugar na prone sa landslide at pagbaha na mas mainam na magsilikas na.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129