SUGATAN ang anim na katao nang aksidenteng masangkot sa banggaan ang 10 sasakyan.
Ang insidente ay naganap sa C5 Libis, Quezon City, na mabilis ang takbo ng isang 14-wheeler truck na may dalang buhangin at minamaneho ni Elmer Baluyot nang mawalan ito ng preno.
Dahil dito, hindi na nakontrol ni Baluyot ang manibela at inararo ang siyam na sasakyan sa southbound lane.
Nang mabangga ang sinusundang taxi nagkaroon ng domino effect at sunod-sunod na binangga ang mga sasakyang sinusundan.
Kabilang sa mga napinsala ng trak ng buhangin ang sasakyan na motorsiklo, dalawang taxi, dalawang kotse, tatlong sport utility vehicle (SUV) at isang trak.
Samantala, kasama naman sa anim na sugatan na isinugod sa ospital ang isang buntis na angkas ng nadisgrasyang motorsiklo.
Sumuko naman ang driver ng trak na si Baluyot at dinala na sa Quezon City Police District’s (QCPD) Traffic Sector.