Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kaso ng dengue sa NCR pumalo sa 2,002

$
0
0

INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa mahigit 2,000 ang bilang ng dengue cases na naitala nila sa National Capital Region (NCR) sa unang tatlong buwan ng taong 2013.

Batay sa update report ng DOH-NCR, mula Enero 1 hanggang Marso 30 ay nakapagtala sila ng 2,002 dengue cases, kabilang ang limang dengue deaths.

Ito’y 63 percent na mas mababa sa naitalang kaso sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon na umabot sa 5,391.

Nabatid na ang Maynila ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sakit na umabot sa 343 o 17% ng kabuuang bilang ng kaso habang ang Pasay City ang may pinakamataas na attack rate na umabot sa 3.12/10,000 population.

Kabilang sa mga nagkasakit ay nagkaka-edad lamang ng isang buwan hanggang 77 taong gulang at karamihan sa mga apektado o 44% ay mula sa 15-49 years age group habang ang 54% ng mga nabiktima ay mga lalaki.

Bukod sa Maynila, nakapagtala rin ng mataas na kaso ng dengue ang Quezon City (325), Caloocan City (222), Pasig City (132), Paranaque City (131), Pasay City (118) at Malabon City (108).

Ang mga nasawi naman sa sakit ay naitala sa Maynila (2), Quezon City (1), Caloocan City (1) at Makati City (1).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>