Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cellphone ng bebot hinablot, Indian national kulong

$
0
0

HIMAS-REHAS ang isang Indian national nang arestuhin ng mga security guard ng SM Mall of Asia matapos tangayin ng dayuhan ang mamahaling cellphone nang isang dalagang sales manager kahapon sa Pasay City.

Kasong theft ang isinampa laban sa suspek na si Gautam Nebhwani, 25-anyos, tubong State of Baroda, India at residente ng Unit 16 Libis St., Greengate, Sucat, Parañaque City, makaraang ireklamo ito ng kanyang nabiktima na nakilalang si Shiela Soriano, 23-anyos, ng Kkawai St., Lower Bicutan, Taguig City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nakipagtipan umano ang biktima sa suspek dakong alas-2:00 ng hapon sa isang fast food store sa ground floor ng SM Mall of Asia dahil interesado umano ang dayuhan na bumili ng condominium unit.

Hindi pa man nagsisimula ang kanilang transaksiyon nang bigla umanong hablutin ng dayuhan ang kanyang Samsung S-3 cellphone na nagkakahalaga ng P27,000 at mabilis na nagtatakbong palayo.

Nagsisigaw na humingi ng tulong si Soriano habang hinahabol ang dayuhan na nakatawag pansin naman sa roving guard na si Remzon Matas na siyang nakahuli sa tumatakas ng suspek.

Kasalukuyang nakaditene ang dayuhan sa detention cell ng Pasay police habang ipinabatid na rin sa Embahada ng India ang pagkakadakip dito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.2 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Pocoyo para colorear


Sapos para colorear


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.6.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>