SA bisa ng warrant of arrest, naaresto ang publisher ng magazine na Sigaw ng Marino, isang pahayagan para sa mga seaman dahil umano sa pagbebenta ng leakage o questionnaires para sa board exam ng MARINA.
Si Engr. Nelson Ramirez ay inaresto ng Manila Police District Warrant Section sa kasong cyber libel sa sala ni Judge Felizardo Montero Jr. ng Malolos City RTC Branch X1.
Nag-ugat ang kasong libel laban kay Ramirez nang mag-post sa kanyang Facebook page laban kay James Paul Llamas, board examiner ng Maritime Industry Authority o MARINA.
Sa panayam, inamin ni Ramirez na ipinost niya sa FB na ninakaw ni Llamas ang P28,000 na baril umano ng kanyang kaibigan.
Agad din namang pinakawalan si Ramirez matapos magbayad ng P12,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Ramirez habang nililitis ang kanyang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN