Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Problemadong lalaki naglaslas sa leeg bago tumalon sa ilog

$
0
0

NAGPASYANG magpatiwakal ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg bago tumalon sa ilog dahil umano sa dinadalang malaking problima miyerkules ng hapon March 7 sa Malabon City

Ayon kay Malabon police Insp. Paul Dennis Javier, tinatayang ang biktima na nasa 35-45 ang edad, 5’6 ang taas, may balbas at bigote, nakasuot ng gray polo shirt at green basketball short pants.

Sa pahayag ng saksi na pedicab driver na si Renato Sawal, 29, kina Malabon police investigators PO2 Roldan Angeles at PO2 Junny Delgado, pasado alas-2:40 ng hapon, nakita niya ang biktima na naglalakad sa ibabaw ng Maynilad water pipe sa gilid ng Lambingan Brigde sa Gov. Pascual. Brgy. Concepcion na may hawak na basag salamin.

Tinangkang kumbinsihin ng saksi ang biktima na bumaba subalit sa halip na makinig ay sumagot ito na “Malaki ang problima ko” saka nilaslas ang kanyang leeg gamit ang basag na salamin sabay tumalon sa ilog.

Inireport ang pangyayari sa Malabon Rescue na humingi naman ng tulong sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at agad nagsagawa ng search and rescue operation hanggang sa maiahon mula sa ilalim ng ilog ang walang buhay na katawan ng biktima dakong alas-6:24 ng gabi

Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa biktima ang isang cellphone at sa isinagawang cursory examination, nagtamo ito ng laslas sa kanyang leeg at may sakit sa balat sa mga braso at hita. ROGER PANIZAL


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>