Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Siargao binabantayan, 49 negosyante inangasan

$
0
0

INATASAN kahapon (March 20) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 49 na negosyante upang ayusin ang mga kinakaharap nilang environmental problems.

Ayon kay Environment and Natural Resources Secretary Roy A. Cimatu, kailangan masiguro ang maayos na pagpapatupad ng “responsible ecotourism” sa Siargao, Surigao del Norte dahil sikat na sikat na ito sa buong mundo.

Ani Cimatu, kapuri-puri ang DENR-CARAGA regional office sa mabilis nilang pagresponde sa kanyang kautusang kilalanin ang mga tourism service providers na lumabag sa environmental laws.

Aniya, dalawang buwan pa lamang mula ng magbigay siya ng kautusan ngunit maagap ang DENR-CARAGA na alamin kung sino ang mga negosyanteng pasaway.

Nais ni Cimatu na panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng lugar, lalo pa ait ito umano ang itinuturing na international surfing capital sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng DENR-CARAGA, may 148 negosyante sa Siargao Island, at 49 dito ang nabigyan ng notice of violations (NOVs) dahil sa paglabag sa Clean Air Act, Clean Water Act, o Environmental Impact Statement System.

Ang kalupaan at karagatan ng Siargao ay klasipikadong protected area, kahit naging paborito itong destinasyon ng mga international surfers.

Dinaragsa rin ng mga turista ang buong isla.

Kadalasang paglabag ng nga negosyante ay kawalan ng environmental compliance certificates (ECCs) at kawalan ng sewage treatment facilities.

“Right now, they are serving notices of violations to the identified establishments, and by the end of the month, they aim to finish serving them, conducting the associated technical conferences, and determining whether to elevate the case to the Pollution Adjudication Board,” Cimatu said.

Kasama sa tinututukan ngayon ng DENR-CARAGA ang mga problemang maaaring makasira sa kalikasan tulad ng kalidad ng maiinom na tubig, pag-iisyu ng business permit ng gobyernong lokal ng walang ECC, kawalan ng sewage and septage treatment facilities, coastal encroachment, palpak na solid waste management, kakulangan ng drainage system, at hindi tamang paggamit ng environmental fee.

Samantala, humihingi ng suporta ang LGU ng Siargao upang maaprobahan agad ang 10-taong solid waste management plans.

Kailangan din umano nilang gumawa ng sanitary landfill, magkaroon ng koordinasyon sa pagkalap at treatment ng basura, sewage at septage, mahigpit na pagpapatupad ng ECC bilang requirement sa mga business permits, at pag-aatas sa lahat ng resort at iba pang establisimyentong magkaroon ng sarili nilang sewage treatment plants. NENET L. VILLAFANIA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>