PAIIMBESTIGAHAN na rin sa National Bureau of Investigation ( NBI) ang sunog sa Manila Pavilion na ikinamatay ng limang kawani ng PAGCOR.
Sa kautusan ni Justice Secretary Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa NBI na alamin kong mayroon criminal, civil at administrative na pananagutan sa panig ng gobyerno at may-ari ng nasunog na Hotel .
Pinakakasuhan rin ni Aguirre sa NBI ang sinumang mapapatunayang may pananagutan.
Tumagal ang naturang sunog ng 25 oras kung saan bukod sa mga nasawi ay mahigit 20 empleyado at guest din ang kinailangan isugod sa Manila Doctors Hospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection(BFP) ang naging sanhi ng malaking sunog na sinasabing mula sa pagwe-welding ng mga trabahador sa ilang bahagi ng gusali na under renovation.
Aalamin din ang ulat na walang alarm system at water sprinklers ang hotel.
Kahapon nagsimula na sa Occular Inspection ang BFP sa 22 palapag na hotel at nagsimula na rin na ilabas ang mga gamit ng hotel.
Tinatayang aabot naman sa P150 milyon pinsala sa naganap na sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN