SUGATAN ang lima katao nang magkabanggaan ang isamg pampasaherong jeep at van kaninang umaga sa Sampaloc , Maynila.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng España Boulevard sakop ng Sampaloc, Maynila.
Nabatid na mabagal lamang ang takbo ng pampasaherong jeep nang bigla itong masalpok ng puting van na may plakang ABA 3150.
Sa lakas ng impact ay sumampa ang jeep na biyaheng Cubao -Quaipo sa plantbox sa lugar.
Kabilang sa nasugatan ang kapwa drayber ng dalawang sasakyan at tatlong pasahero ng naturang jeep. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN