(UPDATE) Nasunog ang isang four-storey commercial building sa kanto ng Juan Luna at Recto Avenue sa Divisoria, Maynila kaninang umaga.
Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa Rocha Store bago tuluyang ideklarang under kontrol dakong alas-10:00 ngayong umaga
Nabatid na pag-aari ng isang Raymond Uy ang nire-renovate ngayong gusali ng mga tela, plastik at iba pang materyales sa paggawa ng sportswear.
Naiulat na nasugatan ang rumespondeng si Jackson De Chavez, fire chief ng Middletown Volunteer Fire Brigade habang nagbubutas ng yero sa bubong para lumabas ang usok.
Inaalam pa ang sanhi ng apoy maging ang halaga ng pinsala nito sa ari-arian.