PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang police asset sa Quiapo, Maynila.
Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Jovito Frias, delivery boy ng sabon at taga-Oscaris St., Quiapo, sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na hinalang miyembro ng sindikato ng droga na armado ng kalibre .45 baril na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division, naganap ang pamamaril sa kanto ng Globo de Oro at Carlos Palanca Sr., sts., Quiapo.
Nakatayo ang biktima sa tabi ng isang metal na push cart na may laman ng mga iba’t ibang produkto nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa likurang bahagi ng kanyang katawan.
Matapos ang pamamaril ay kaswal lamang na naglakad papalayo ang suspek.