Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ilang tiwali, rumaraket, nagsasamantala sa dengvaxia issue

$
0
0

PINAYUHAN ni Regional Director Eduardo Janairo, ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang publiko at mga local government units (LGUs) na mag-ingat laban sa ilang indibidwal na rumaraket at nagsasamantala sa Dengvaxia issue upang kumita ng pera.

Sa isang sulat, sinabi ni Janairo na nakarating sa kanyang tanggapan ang ulat na may grupo na nagpapakilalang mga “good samaritan” at humihingi ng tulong pinansiyal at dengue kits para ibigay sa mga estudyante ng Malakaban, Binagonan, Rizal na umano’y nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Janairo na wala silang naitalang kaso ng mga bata sa Rizal na dumaranas ng kumplikasyon matapos na mabakunahan ng Dengvaxia.

Iginiit rin niya na hindi dapat sinusuportahan ng publiko at LGUs ang mga ganitong raket.

“We wish to inform the public that there are no such children suffering from any complication against Dengvaxia in the area. Such unscrupulous demands will not be entertained, allowed, tolerated nor given support of any kind,” ani Janairo.

Hinikayat pa ng health official ang publiko na kaagad na ipaalam sa DOH-Task Force sa telepono (02) 711-1001 to 02; Smart (0920) 110-7498; Globe (0917) 0915- 7725621, kung may nalalaman silang indibiduwal na ginagawang raket ang Dengvaxia issue para kaagad na maaksyunan at mapanagot ang mga ito.

Tiniyak rin ni Janairo na direkta na silang nakikipag-ugnayan sa mga magulang ng mga bata na umano’y nagkaroon ng sakit makaraang maturukan ng Dengvaxia upang mapagkalooban ng kaukulang tulong ang mga ito. MACS BORJA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>