Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Baklas-motor timbog sa Tondo

$
0
0

TIMBOG ang isang mag-asawa at dalawa pa nilang kasabwat sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa MPD-Station 7 ang mga suspek na sina Ronald Encarnado, Vanessa de Mesa, Jason Laquindanum at Alexander Banzuelo.

Naaresto ang apat sa tulong na rin ng kuha ng CCTV habang ninanakaw ang motorsiklo sa kahabaan ng Antipolo Street sa Tondo.

Nabatid na pitong motorsiklo na rin ang natatangay ng mga suspek mula pa noong Nobyembre 2017.

Nagsisilbing look out si De Mesa kapag may target na nanakawing motorsiklo gamit ang isang masterkey.

Modus umano ng mga suspek na ibenta sa murang halaga ang mga nakaw na motorsiklo .

Nakuha naman sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre .45 at patalim.

Kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act at karagdagan pang reklamo dahil sa nakuhang patalim at baril laban sa mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>