Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Listahan ng barangay officials na sangkot sa droga dapat ilabas ng PDEA- DILG

$
0
0

HABANG papalapit ang barangay election, nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kamay ng PDEA ang responsabilidad para ilabas ang listahan ng mga barangay captain at kagawad na sangkot umano sa kalakalan ng illegal drugs sa bansa.

Reaksyon ito ng DILG hinggil sa panawagan ng publiko na dapat ilabas ang listahan ng mga brgy. captain at kagawad na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Asec. Jonathan Malaya Spokesperson ng DILG ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dapat na maglabas ng listahan ng mga barangay official na hinihinalang sangkot sa illegal drugs.

Nauna rito magugunitang kinumpirma ni PDEA Director General Aaron N. Aquino na aabot sa 287 barangay captain at kawagad ang hinihinalang sangkot sa kalakalan ng illegal drugs sa bansa.

Sa press conference kaninang umaga Abril 23, 2018 (Lunes) sa tanggapan ng DILG sinabi ni Asec. Malaya na dapat ang PDEA ang maglabas ng drug list ng mga barangay official na pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs.

“Dapat ang PDEA ang maglabas ng drug list ng mga barangay official (brgy.Captain at kagawad na sangkot sa illegal drugs) dahil sila ang right agency”ani pa ni Malaya.

Sinabi pa ni Malaya may impormasyon siya na maglalabas ang PDEA ng listahan ng mga barangay official na sangkot sa kalakalan ng illegal drugs subalit hindi nito dinetalye ang naturang isyu.

Nabatid pa kay Malaya na mahigpit na ipinagbabawal ng batas na gamitin ng mga tumatakbong kandidato ng barangay ang mga resources at pasilidad ng barangay hall dahil labag ito sa batas. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>