Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Chinese nat’l timbog sa P15M shabu

$
0
0

ARESTADO ang isang Chinese national matapos makuhanan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P15-milyon sa buy-bust operation kagabi sa Maynila.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing operasyon na ikinaaresto ng suspek na nakilalang si Qingchu Xu, 37, ng Fujian, China.

Limang taon nang nakatira ang suspek sa Pilipinas at galing ito ng Fujian, China.

Sa ulat, nakuha ang isang kilo sa pag-iingat ni Xu habang nakuha sa kanyang sasakyan ang dalawang kilo pa na hinihinalang idedeliber na sa mga kostumer.

Bukod dito, kinumpiska rin ang kanyang sasakyan na umano’y ginagamit sa pagdedeliber ng droga.

Nabatid na dalawang buwan nang isinailalim sa surveillance ang suspek bago ito nasakote sa service road ng Pasaje del Carmen at Roxas Blvd. sa Maynila.

Iniimbestigahan na ang suspek at inaalam kung konektado ito sa Dragon Wu drug syndicate na nasa likod ng mga shabu laboratory at warehouse na nadiskubre sa Malabon, Batangas at Marikina.

“Iniimbestigahan pa natin. Wholesaler ito. I believe my botikang pinagkukunan ito,” pahayag ni Fajardo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>