Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biker, nahulihan ng baril sa Oplan Sita

$
0
0

HINDI nakalusot sa inilatag na Oplan Sita ng Manila Police District (MPD) ang isang 42-anyos na biker matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa kabila ng mahigpit na kautusan kaugnay sa Election gun ban sa bansa.

Ayon kay PO1 Danilo P. Kabigting, kinilala ang naaresto na si Glenn Dea Rosario Dario residente ng Area 3, Capiligan st ., E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Si Dario ay isinailalim a sa Inquest Proceedings sa Manila Prosecutors Office kaugnay sa umiiral na Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and ammunition) na may kaugnayan sa Batas Pambansa 881 Sec. 261 (q) [Carrying of Firearms outside residence or Place of Business] ng Omnibus Election Code, Comelec Resolution 10015 (Gun Ban.)

Naaresto umano ito habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Lacson Police Community Precint sakop nh MPD-Station 4 sa kahabaan ng Legarda St., Sampaloc, Maynila kahapon.

Malayo pa man si Dario sa mga nakaposteng pulis ay kapansin pansin na ang tila bakal na nakasukbit sa kanyang betwang habang nakataas ang kanyang t-shirt.

Agad siyang nilapitan ng mga pulis at pinigil at kinapkapan bukod sa pagkumpiska sa baril.

Nabatid na isang kalibre 38 ang baril na kargado ng 2 bala kaya siya binitbit sa Station Investigation and Detective Management Branch ng MPD-Station 4.

Walang naipakitang dokumento o lisensiya ang suspek kaugnay sa pagbibitbit ng baril.

Nabatid na miyembro ng Bahala na Gang ang suspek at makailang beses na umanong nasangkot sa mga kaso ng robbery sa Maynila at Quezon City.

Paliwanag pa umano ng suspek, patungo siya sa isang kaibigan upang dalhin ang baril.

Upang maberipika kung sangkot ang baril sa anumang krimen ay ipinasuri ito sa MPD Crime Laboratory Office para sa Ballistic.

May impormasyon din na modus na ngayon ng Gun for Hire Syndicate na gumamit ng bisikleta sa pagdadala ng baril dahil mas madalas masita ang mga scooter at motorsiklo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>