PATAY ang isang 18-anyos na dalaga nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakaupo sa isang iskinita sa Tondo, Maynila .
Dead on the spot ang biktimang si Mary Rose Segaya, nakatira sa Unit 5, Bldg. 27, Temporary Housing Aroma, Tondo.
Sa imbestigasyon ni PO2 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Homicide Section, pasado alas-singko kahapon ng mangyari ang pamamaril sa biktima habang nakaupo sa pagitan ng iskinita ng Bldg.11 at 15 sa nasabing lugar.
Nakaupo lamang umano ang biktima sa lugar nang dumating ang hindi nakilalang suspek at agad pinaputukan si Segaya sa ulo na agaran nitong ikinamatay.
Wala namang makapagbigay ng anumang impormasyon sa lugar hinggil sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ang pagkakilanlan ng salarin gayundin ang motibo sa pamamaslang sa biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN