Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Hulihan sa Navotas Fish Port, 9 nalambat

$
0
0

SIYAM katao na pinaniniwalaang sangkot sa pagtutulak ng shabu ang naaresto sa isinagawang anti illegal drug operation sa loob ng Navotas Fish Port Martes ng gabi, April 24, sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief Senior Supt. Brent Milan Madjaco ang mga supek na responsible sa pag tutulak ng shabu ay sina Alberto Morales, 23 at Dennis Pepaño, 31 habang ang ibang kliyente na naaresto rin ay sina Jessie Grafe, 39; Judy Ann Lachica, 19; Marivic Ramirez, 42; Albert Villareal, 33; Jamel Mama, 29; Arnel Cantel, 29; at Romel Esgana, 41.

Ayon kay Senior Supt. Madjaco nakatangap sila tawag ulat sa mapagkakatiwalaang asset hingil sa rampant na pag bebenta ng droga sa loob ng Market 2 in Navotas Fish Port, kaya agad pinuntahan ng mga tauhan ng SDEU at nagsagawa ng surprising anti-illegal drug operation pasado alas-9 ng gabi.

Naabutan ang mga suspek sa loob ng Market 3 na aktong gumagamit ng shabu sa isang pinaniniwalaang drug den kung saan naaresto siyam na drug personalities kung saan itinuturo ang isang Morales at Pepano ang kanilang supplier.

Ang mga awtoridad ay nakarekober ng 10 transparent plastic sachets ng shabu at dalawang plastic sachets na naglalaman ng shabu at maraming drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay pormal na sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa  Navotas City Prosecutors Office. ROGER PANIZAL


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>