ISANG 15-anyos na na dalagitang estudyante na umanoy maagang nasira ang kinabukasan matapos pagsamantalahan ng isang manyakis na factory worker na nakainuman ng biktima sa loob ng bahay ng suspek Martes ng gabi, April 25, sa Malabon City.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang manyakis na suspek na nakillang si Mark Paulo Chan, 21 ng 156 Sisa St., Brgy., Acacia.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni Malabon Police Women’s and Children Protection Desk PO1 Mayett Simeon na pasado alas-11 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa loob ng bahay ng suspek.
Bago ang insidente, unang nag-inuman ang biktimang itinago sa pangalang “ Juvyt”, grade 9, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Diane at Adriane sa bahay ng suspek.
Matapos ang ilang tagay ng alak, napansin na lamang ng biktima ang kanyang dalawang kaibigan na umalis ng bahay na walang paalam sa kanya.
Dahil sa pagkahilo, nagpasya na lamang ang biktima na matulog sa bahay ng suspek hanggang sa magising na lamang ito nang maramdaman ang ginagawang kahalayan sa kanya ng lalaki kaya pumalag ang dalagita.
Subalit, walang nagawa ang biktima sa lakas ng lalaki nang sapilitan umano itong halayin.
Matapos ang panghahalay ay umalis ang dalagita saka ipinaalam sa kanyang kaibigang lalaki na sunduin siya.
Agad namang humingi ng tulong ang mga ito sa mga tauhan ng Police Community Precinct 4 na sina PO1 Ricardo Francisco Jr. at PO1 Mark Jay Andres na nagresulta sa pagkakaaresto suspek. ROGER PANIZAL