Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

13 sugatan nang araruhin ng truck ang walong sasakyan sa Taytay, Rizal

$
0
0

SUGATAN ang hindi bababa sa labingtatlong katao kabilang ang isang sanggol makaraang araruhin ng isang truck ang walong sasakyan sa kahabaan ng Cabrera Road – Manila East Road sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Dumulas umano ng preno ang isang truck na may kargang drum-drum na diesel kaya dire-diretso nitong sinagasaan ang walong sasakyan sa kaniyang harapan.

Bago ang pagsagasa nakita sa CCTV sa lugar ang mabilis na andar ng truck.

Naganap ang aksidente alas-2:50 ng madaling-araw.

Marami sa mga nasugatan ay pawang pasahero ng isang UV Express.

Kabilang sa lubhang nasugatan ang mga sakay ng tricycle na kasama sa inararo ng truck.

Ginagamot pa sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>