DINUKOT ang dalawang pulis ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang tinutugis ang isang suspek sa pananaksak sa Brgy. Poblacion, Loreto, Agusan del Sur.
Nakilala ang mga suspek na sina PO1 Donald Almuñez at PO1 Niñel España.
Dagil dito, bumuo na ng komite ang Loreto Police para mabawi ang mga tauhan.
Matatandaang isang pulis at isang sundalo pa ang dinukot ng NPA sa Davao del Norte.