Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Arkitekto natangayan ng P15M ng Dugo-Dugo Gang

$
0
0

AABOT sa P15 milyon halaga ng alahas at pera ang natangay ng grupo ng “Dugo-Dugo Gang” sa bahay ng isang  architect  kaninang umaga sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktima na si Luz Yap, 79, architect at residente ng 1513 Princeton St., Wack Wack Village, Brgy. Wack Wack,  nasabing lungsod.

Sa ulat alas-4:20 ng hapon nang madiskubre ng biktima ang insidente sa loob ng kanyang bahay kung saan ay nagkalat ang mga gamit at wasak ang vault at wala rin ang kanyang katulong na pansamantalang itinago sa pangalang “Daisy”.

Nauna rito, umalis sa kanyang bahay ang ginang ala-1:30 ng hapon kung saan ay naiwan ang kasambahay na si Daisy.

Sa salaysay naman ni Daisy sa pulisya, nakatanggap siya ng tawag sa telepono kung saan ay sinabing naaksidente ang kanyang amo at inutusan siyang maghanap ng pera para matulungan ito.

Gamit ang isang bareta ay dinistrungka ni Daisy ang vault at dinala ang laman sa mga suspek na naghihintay sa Sangandaan, Caloocan.

Kabilang sa mga natangay ang P6M cash, $80,000 at P8.5 milyon halaga ng ibat ibang uri ng alahas na nasa loob ng dinistrungkang vault.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakakapagdesisyon si Yap kung sasampahan ng kaso ang kanyang kasambahay na pansamantalang pinipigil sa himpilan ng Mandaluyong City Police Station.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>