TODAS ang isang tomboy matapos patraydor na barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Catmon, Malabon City, Biyernes ng umaga.
Dead on spot si Shirley Jasareno y Camacho, 42-anyos, single, mananahi, ng SKBMI Sitio 6 ng nasabing barangay, dahil sa isang tama bala ng kalibre .45 sa likurang bahagi ng ulo.
Mabilis namang tumakas ang dawang suspek bitbit ang ginamit na baril.
Batay sa imbestigasyon ni P02 Jun Belbes Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas-7:05 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Nabatid na papasok na tailoring shop ang Shirley nang palihim na sundan ng mga suspek at nang abutan ay agad na pinaputukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima.
Nakarekober ang mga tauhan ng Crime of Scene Operattives (SOCO) ng isang empty shell ng kalibre .45 sa crime scene.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa krimen.