Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

9 construction worker nalason sa yellow fin

$
0
0

SIYAM na construction worker ang isinugod sa ospital na hinihinalang na-food poison matapos kumain ng yellow fin tuna sa Laoag City, Huwebes ng gabi.

Bukod sa mga pantal sa katawan, nakaramdam ng hilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan at hirap sa paghinga ang mga biktima.

Nakalabas na sa pagamutan ang walo pero naka-confine pa si Rolando Yepes.

Base sa pahayag ng kapatid ng tindero ng isda na kinilalang si Kuatro Salvador, sariwa naman ang kanilang benta at ngayon lang may nagreklamo sa tatlong taon nilang pagtitinda.

Kinumpirma naman nito na handa silang bayaran ang gastos ng mga biktima kung mapapatunayan na nalason sila sa naturang yellow fin.

Ayon sa sanitary inspector ng palengke na si Glenn Quintos, uumpisahan ang imbestigasyon sa oras na magpalabas ng rekomendasyon ang ospital na gumamot sa mga biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>