NAKUWELYUHAN na ng pulisya ang isang construction worker na gumahasa at pumatay sa isang 9-anyos na babae sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Kaninang umaga lamang (Abril 19), lumabas sa mismong bibig ng suspek na si Juniel Dusaban, 21-anyos, na ginahasa niya ang hindi pinangalanan biktima habang siya ay lasing o nasa impluwensya ng alak.
Gayunman sinabi ni Dusaban na hindi niya intensyong patayin ang biktima dahil hindi ito tumigil sa pag-iyak at sa takot na may makarinig ay sinakay niya ito.
Ayon kay Dusaban, nilapitan siya ng biktima at humingi sa kanya ng pera.
Natakam sa laman, binitbit niya ang paslit sa isang madilim at madamong bahagi ng Barangay Gun-ob sa Lapu-Lapu City at doon ito ginahasa.
Nitong nakaraang Huwebes ng umaga, natagpuan ang bangkay ng biktima at wala itong suot na underwear.
Dalawang musmos ang nagsabi sa pulisya na si Gustuban ang nakita nilang huling kasama ng biktima bago ito naiulat na nawawala.