PINAGLALATIGO ang isang dalaga ng kanyang ama makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City Huwebes ng hapon, Abril 18.
Tadtad ng latay ang biktimang si Lorena Espiritu, 20-anyos, ng Arellano St., Bagong Barrio ng lungsod.
Base sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, sinesermunan ang biktima ng kanyang tatay na si Renato sa loob ng kanilang bahay.
Nang sumagot ang biktima ay nagalit nang husto ang tatay hanggang sa makakuha ng extension wire at pinaghahataw ang dalaga.
Natigil lang ang suspek nang awatin ng asawang si Lolita.
Dinala naman ang dalaga sa Manila Central University habang tumakas naman ang suspek.