Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

No. 5 most wanted sa Marikina natimbog

$
0
0

ARESTADO ang tinagurian na number 5 most wanted person sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina City PNp chief P/Sr. Supt. Gabriel Lopez ang nadakip na si Muhammad Buensueto, 19-anyos, binata, residente ng Balubad Settlement, Brgy. Nangka, ng nasabing lungsod.

Naaresto si Buensueto matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na ang suspek ay nakitang pagala-gala sa lugar at madalas pang maglaro ng basketball.

Ayon kay Lopez, ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Lorna Catris-Chua Cheng ng Marikina City Regional Trial Court branch 168 sa kasong murder.

Nabatid na 16 anyos pa lamang ang suspek ay nakulong na ito dahil sa brutal na pagpatay sa kanyang kalugar noong 2010 ngunit dahil menor-de-edad ay dinala ito sa DSWD Bicutan. Inilipat din ang suspek sa detention ng DSWD sa bayan ng Tanay kung saan ito tumakas.

Nakatakdang dalhin ang suspek sa Marikina City Jail kung saan nito bubunuin ang kanyang kaso.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>