Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 sa 13 presong pumuga sa Negros, balik-selda na

$
0
0

DALAWA pa lamang sa 13 presong nakatakas sa isang kulungan sa Sagay City, Negros Occidental ang naibalik na sa selda nitong Biyernes ng hapon sa Cadiz City.

Sinabi ni Senior Inspector Gilbert Peremne, spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) na paalis na sana ang mga suspek na sina Rolando Bajo at Jeck Espanola patungong Bacolod City nang sila ay masakote ng lokal na pulisya at ng BJMP personnel.

Ayon kay Peremne, nakatanggap sila ng tip mula sa isang police informant hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek.

Ayaw namang magkomento ni Bajo sa insidente, na itinuturong mastermind sa likod ng ikinasang jail break nitong nakaraang Miyerkules samantalang sinabi naman ni Espanola, na kapwa na handa na silang sumuko bago pa ang pagkakahuli sa kanila.

Ikinuwento rin ni Espanola na sa loob ng dalawang araw, karamihan sa kanila ay ngumunguya lamang ng tubo o sugarcane para lamang mabuhay.

Sumunod na lamang siya sa iba pang preso dahil hindi rin niya masikmura ang pagkain na ibinigay sa kanila sa kulungan.

Nilinaw naman ni Peremne, na ang nasabing reklamo ay iniimbestigahan na ngayon ng ahensya.

Nagkakasa ang mga jail guard ng routine head count nitong nakaraang Miyerkules nang tutukan ni Bajo ng isang .38 caliber gun ang isa sa mga jail guard.

Ang isa namang preso na si Rey Villanueva, ay armado ng kutsilyo at dinisarmahan ang isa pang jail guard.

Kasunod nito, sinabi ng pulisya na binaril na ni Bajo ang kandado sa selda na nag-trigger ng jail break.

Dahil sa insidente, sinibak na ang tatlong jail personnel, kanilang ang jail warden ng Sagay City BJMP.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>